einal
Answered

Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Tuklasin ang eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak sa mabuting pagpapasya?
Ipaliwanag

Sagot :

ncz
May apat na salik sa pagpapasya at mahalaga ang impluwensya ng pamilya sa mga ito.

1. IMPORMASYON

Ang mga magulang ay may kakayahan na magbigay kaalaman sa mga nakababata sa isang pamilya. Nararapat lamang na maturuan sila ng mga tamang bagay (facts), mapa-general knowledge man ito o mga moral values at ethics.

2. SITWASYON

Ang mga sitwsyon ay isang pagsubok. Ang mga gawi at kultura ng isang pamilya ay may malaking apekto sa mga ikinikilos ng isang nilalang.  Ang mga anak ay laging natututo sa mga ginagawa ng mga magulang. Direkta man itong itinuturo o sa pamamagitan ng pag-oobserba.

3. MGA PAYO

Mahalaga ang impluwensya ng mga magulang lalo na ang mga payo dahil tumataktak ito sa kaisipan ng mga bata.  Nadadala nito hanggang paglaki ang mga payo kaya't nakagagawa ito ng desisyon o pasya na umuugat mula sa mga habilin at pinapakitandaan sa kanila ng kanilang mga magulang.

4. PAGKAKATAON o OPORTUNIDAD

Matapos magkaroon ng hinulmang kaisipan, mga kaalaman at mga payo ng pamilya, ang mga oportunidad naman ang sasaklawin ng isang nilalang.  Dito makikita kung kaniya bang ginagamit ang impluwensyang idinulot sa kanya sa kanyang paglaki kasama ang mga magulang.  Ang mga resulta ng pagpapasya at pagsagawa ng napagpasyahan ay tinatawag na indikasyon ng impluwensya ng pamilya. 
Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.