Sa aklat na Doctrine of the Mean, ipinaliwanag ni Confucius kung ano ang
nagagawa ng katapatan sa tao at sa buong mundo:
―Napakahalaga ng katapatan sa buhay ng tao. Ang taong matapat ay may
pagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kinakailangang magpanggap,
nakakakilos siya nang tama. Ang taong nagmamahal sa katotohanan ay pumipili
kung ano ang mabuti, at isinasabuhay niya ito.
Ang katapatang ito ay nagiging kitang-kita. Mula sa pagiging kitang-kita, ito
ay kaniyang ikinikilos. Mula sa kanyang ikinikilos, ito ay nagiging maningning.
Dahil sa maningning, naaapektuhan nito ang iba. Dahil naaapektuhan ang iba,
sila ay nababago nito. Dahil nababago sila nito, nagiging ganap itong pagbabago.
Siya lamang na nagtataglay ng kompletong katapatan ang maaaring manatili sa
langit upang makapagbabago nang tuluyan.‖
Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na maging
matapat lalo sa pangangalap ng tamang impormasyon. Hindi basta-basta naniniwala as
mga sinasabi ng mga tao. Tinitiyak niya ang mga datos sa tunay na pangyayari. 1. Ano ang sinasabi sa aral ni Confucius?
2. Ano-ano ang naidudulot ng katapatan sa tao?
3. Sa inyong binasa, paano matitiyak ang ganap na pagbabago? Ihalintulad ito
sa inyong sariling mag pagpupunyagi. Ano-ano ang mga ito?