Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at eksakto mula sa aming dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Ipinadala ng katipunan sa dapitan upang hingin ang payo ni rizal ukol sa himagsikan

Sagot :

Answer:

•Si Rizal at ang Katipunan•

Noong gabing ipinatapon ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol y Dusay si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ang Katipunan.

Sa isang lihim na pagpupulong ng Katipunan sa may maliit na estero kung tawagin ay Bitukang Manok malapit sa Pasig noong 4 Mayo 1896, pinagpasyahan ni Bonifacio at kaniyang mga tagasangguni na konsultahin si Rizal ukol sa pagpapasya sa himagsikan. Ipinadala ni Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela bilang emisaryo ng Katipunan sa Dapitan. Ito ay upang ipaalam kay Rizal ukol sa plano ng Katipunan na maglunsad ng himagsikan, at kung maaari, ng digmaan laban sa Espanya. Noong katapusan ng Mayo 1896, bumisita si Dr. Valenzuela si Rizal sa Dapitan at kaniya itong kinapanayam. Bilang pagtatakip, sinamahan si Dr. Valenzuela ng isang lalaking bulag na nagngangalang Raymundo Mata, dahil sa mga panahong iyon kilala si Rizal bilang isang espesyalista sa mata.

Dumating si Valenzuela sa Dapitan noong 21 Hunyo, kung saan sinalubong siya ni Rizal. Pagkatapos ng hapunan, binanggit ni Valenzuela ang kaniyang tunay na pakay kung bakit siya pumunta sa Dapitan at sa pangangailangan ng pagkuha ng suporta ni Rizal. Ayon kay Valenzuela, sumagot lamang si Rizal ng, "Huwag, huwag! Iya'y makakasama sa bayang Pilipino!"

Tumutol si Rizal sa balak ni Bonifacio na ihatid ang bansa tungo sa madugong himagsikan. Naniniwala siya na wala pa sa panahon dahil sa dalawang mga kadahilanan:

: Hindi pa handa ang mamamayan sa isang malawakang himagsikan.

: Dapat makalikom ng sapat na sandata at pondo bago maglunsad ng himagsikan.

Dahil sa pahayag nito, nagbigay muli ng isa pang mungkahi si Valenzuela kay Rizal: ang sagipin siya. Hindi rin pumayag si Rizal sa balak na ito, dahil nakapagbigay siya ng pangako sa pamahalaang Kastila, at hindi niya nais itong sirain. Sa halip, pinanukala ni Rizal si Valenzuela na hikayatin ang mga mayayamang mga Pilipino upang makalikom sila ng mga pondo, at inimungkahi din niya ang isang opisyal ng sandatahan na nagngangalang Antonio Luna upang maging kalihim ng digmaan ng Katipunan, kung bakasakaling pumutok ang himagsikan. Ayon sa pahayag ni Valenzuela sa pamahalaang Kastila, halos magsagutan sila dahil sa mga bagay na ito at lumisan si Valenzuela kinabukasan sa halip na manatili ng isang buwan gaya ng naunang napagpasyahan.

Noong makabalik si Valenzuela sa Maynila at ipinaalam sa Katipunan ang kaniyang kabiguan na makuha ang suporta ni Rizal ay nagalit si Bonifacio, at binalaan si Valenzuela na huwag ipaalam kaninoman ang hindi pagsang-ayon ni Rizal sa pagsuporta sa napipintong himagsikan. Ngunit nabanggit na ni Valenzuela ang tungkol dito sa marami, kaya karamihan sa mga pag-alok para sa pondo ng lipunan ay nakansela. Sa kabila ng pagtutol ni Rizal, sinusubukan nang masolusyonan ng Katipunan ang kakulangan sa sandata at gumagawa na ng paraan para makapagpuslit ng mga sandata mula sa ibang bansa.

Explanation:

pa brainliestttt❤️