Answered

Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na Q&A platform. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

ano ang denotasyon at konotasyon ng umaalulong,damo,alipato,kabibe,ligaya at pag lalakbay

Sagot :

Answer:

Denotasyon at Konotasyon  

Denotasyon  

Ang umaalulong (Howling) ay ang malakas at mahabang tila malungkot na tunog na ginagawa ng aso.  

Mga dahilan ng pag-alulong ng isang aso:

  • Nalulungkot
  • Tinatawag ang mga kasamahan

Ang damo ay ang ligaw na halaman na tumutubo kung saan man mayroong lupang mapapag-ugatan.

Ang alipato ay ang tinatawag na “baga” na kung saan ang kahoy ay natapos ng mag-apoy at narating na ang pinakamainit na estado nito.

Ang Kabibe naman ang tawag sa lamang dagat na mayroong matigas na takip na nagbibigay proteksyon dito.

Ang ligaya ay tumutukoy sa masayang pakiramdam ng pagiging kumpleto sa buhay at dahil dito ay wala ng hinahanap pa. Ang ligaya ay ang tinatawag na “joy” sa wikang Ingles.

Ang denotasyon ng salitang paglalakbay ay ang pagpunta sa ibang lugar, ito ay karaniwang malayo sa pinagmulan ng tinutukoy na nagsasagawa ng paglalakbay.  

Ang paglalakbay maaaring isalin sa wikang Ingles sa mga sumusunod na paraan:

  1. on your journey
  2. on his/her journey
  3. on its journey

Konotasyon  

Ang umaalulong ay nagbibigay ng ilang konotasyon batay sa paksa.

Narito ang dalawa sa mga gamit at kahulugan ng umaalulong:

  1. Nakakatakot
  2. Nalulungkot

Matagal ng panahon na naiugnay ang alulong ng aso sa mga bagay na kinakatakutan, bunga ito ng ilang dekada ng mga pelikula na kung saan ang paggamit ng nasabing tunog ay nangangahulugan ng inaasahang pagdating ng mga maligno.  

Ang pag-iyak habang nagsasakita ay tinatawag din na pag-alulong.

Halimbawa:

“Kausapin mo yung kumpare mo, puntahan mo sa bahay, kagabi pa umaalulong yun dahil nagkahiwalay silang mag-asawa.”

Ang damo ay mayroong ilang kahulugan, dahilan upang gamitin ang salitang ito upang ilarawan ang katangian ng pinag-uusapang bagay.

Mga gamit ng salitang damo:

  • Mabilis kumalat
  • Matibay
  • Marijuana

Ang ano mang mabilis kumalat ng bagay ay maihahambing sa damo, maaari itong gamitin upang ipakita ang mabilis na pagdami ng mga mall, gusali, sasakyan, tao o hayop. Kasama  na ang hirap ng pagpigil sa pagdami ng pinag-uusapan ang pagsasabi na ito ay matibay na gaya ng damo na may katangiang magpatuloy ang buhay kahit ilan beses itong tabasin.

Sa mga gumagamit ng Marijuana, karaniwan na itong tinatawag na damo o grass sa Ingles.

Bihira ng marinig ang salitang alipato sa panahon ngayon, higit na ginagamit ang salitang “baga” sa halip nito. Ang baga ay nangangahulugan ng matinding galit na kinikimkim sa loob.  

Ang kabibe naman ay ang ginagamit upang ilarawan ang taong walang tigil ang bibig. Dahil ito as ugali ng hayop na pagbukas at pagsara ng mga “shell” nito gaya ng taong madaldal.  

Halos pareho naman ang konotasyon at denotasyon ng salitang ligaya, ipinapakita nito ang kasiyahan. Ngunit sa konotasyon ay may bahagyang pahiwatig ng pansariling kasiyahan “parang naka-jackpot”. Maari itong mula sa pinansyal, sekswal at iba pang dahilan.  

Halimbawa:

“Balita ko jackpot yung kaibigan mo, eh di punong puno ng ligaya ngayon yun?”

Ang paglalakbay ay ang pansariling “journey” ng isang tao, ipinapahiwatig nito ang kanyang pinagdadaanan at pagdadaanan sa buhay gaya ng pag-aaral, pagtratrabaho, pagpapamilya at pag-tanda, kasama rin dito ang mga balakid na kanyang kailangang lagpasan.

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

Ano ang konotasyon at denotasyon?   https://brainly.ph/question/2119124

Konotasyon ng salitang nakasal    https://brainly.ph/question/1903924

Ano ang konotasyon ng salitang langit?    https://brainly.ph/question/551597