Answer:
"Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas." Mateo 23:12
Isang mapagpalang araw po sa lahat! Ngayon po ay nasa ikalawang linggo na po tayo sa ating klase sa Filipino.
Narito na po muli ang inyong mga gawain na kailangang maisagawa.
MGA GAWAIN SA KUWADERNO:
1. ORAS NG PAGBASA:
✅Pakibasa po ang tekstong "SINO SI SAKAY" at sagutin ang Talasalitaan at Pag-unawa sa Binasa.
2. Para naman sa Gawain sa Modyul:
✳️Aralin 2: Opinyon at Katuwiran sa Paksa ng Balagtasan
✅Basahin ang Panimula upang magkaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa Balagtasan. Pagkatapos ay basahin at unawain ang balagtasan sa pahina 10-16.
✅Sagutan ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1-2. Sagutan po ito sa kuwaderno.
Kung may katanungan po hinggil sa
gawain ay huwag pong mag atubiling magmensahe sa akin.
Isang masayang araw muli ng pagsasagawa ng mga gawain ☺️
Maraming salamat po ❤️