ABSTRAKSYON
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang BALITA at SANAYSAY na nasa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na
kasunod nito.
BALITA
Bumaba ang porsyento ng mga mag-aaral na uminom ng 'deworming tablets'sa General Pantaleon Senior High School dahil sa
Dengvaxia. Mula sa 90 porsyento noong nakaraang taon ay pumalo na lamang sa 76.43 porsyento ngayong taon. "Isinasagawa ang
deworming upang tanggalin ang mga peste sa katawan ng mga bata na maaaring makaapekto sa performance nila sa school,
" sabi
ni Gng. Geraldine Guanzon. Ang tinitingnang dahilan ng ating school nurse o guro na responsable sa Dewoming na si Gng.
Geraldine Guanzon, ang maaaring dahilan nito ay ang pagkatakot ng mga mag-aaral sa Dengvaxla. Ang deworming ay isinasagawa
dalawang beses sa isang taon tuwing Pebrero at Hulyo kada taon. Ang tabletang iniinom ng mga mag-aaral ay tinatawag na
Albendazole na mayroong 400mg. Ang gamot ay nagmumula sa Department of Health (DOH) na ipinapadala sa Deparment of
Education (DepEd) patungo sa mga Dibisyon ng bawat Munisipalidad at Lungsod sa Rehiyon. Pepayagan lamang uminom nang
deworming tablet kung papahintulutan ng magulang ng mag-aaral
-Sinulat ni Joyce Pre, Ang Insurekto
1. sa pagkakasulat ng balita na nasa taas itaas sa paanong paraan ginamit ang wika
2. Ano ang ipinakikita sa balita na maaaring maging kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino?