TAMA o MALI. Isulat ang salitang TAMA kung tama ang pahayag, MALI naman kung mali. Gawing gabay ang mga salitang may salungguhit. 26. Masasabing akademik ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o larangan. 27. Taglay ng akademikong sulatin ang mababang gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan. 28. Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng proseso ng kognisyon. 29. Ang malikhaing pagsulat ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katuwiran, opinyon at paniniwala. 30. Ang akademikong pagsulat ay isang mataas na pagsulat katulad ng mga kasulatan/kasunduan sa negosyo, bisnes at iba pang transaksyong papel. 31. Sa pag-eedit at pagrerebisa ng sulatin, inaayos ang unang draft. Iwinawasto ang mga kamalian tulad ng baybay, bantas, at mismong nilalaman ng akademikong sulatin. 32. Pampersonal na gawain ang isang sulatin, kaya ito ay nangangailangan ng layunin at nagpapahayag ng pag-iisip. 33. Sa pagsulat ng bionote, nauuna palagi ang simula, susundan ng saglit na kasiglahan hanggang sa wakas. 34. Ang sulating Abstrak ng Tesis ay unang ginagawa bago makabuo ng tesis. 35. Sa Abtrak ng Pelikula, nangangailangan ng larawan ng mga pangunahing tauhan at palaging nasa ibaba ang iba pang bahagi ng abstrak.