Gawain 3 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata. Itala ang mga salitang nagtataglay ng antas ng wika at isulat sa angkop na talahanayan sa ibaba.
Patuloy ang pag-usad ng buhay para sa ating mga kababayang San Joseño sa kabila ng nararanasang pandemya. Hindi maikakaila sa mga kilos na tayo ay nasanay na sa new normal. Paglabas pa lamang ng mga tahanan ay nakasuot na agad ang facemask. Lagi ring bitbit ang faceshield dahil isa ito sa mga kailangan upang papasukin ka ng sekyu sa binabantayan niyang gusali. Kayod-kalabaw ang halos lahat dahil sa papahirap na buhay sa kasalukuyan. Marami ang nawalan ng hanapbuhay at bumaling sa online -selling para kahit papa'no ay may pang-agdong- buhay at makaraos sa araw-araw. Anuman ang maranasan, kapit lang kababayan, 'wag nating kalilimutan na ang Diyos ay patuloy sa paggabay sa ating buhay.
Pampanitikan
Lalawiganin
Balbal
kalokyal
Banyaga