FILIPINO Panuto: Buoin ang diwa ng mga pahayag sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatoo sa isang argumento. Ang eleksyon ay isang mainit na usapin sa kasalukuyan Bawat mamamayan ay pinagkalooban ng kapangyarihan upang pumili kung sino ang karapat-dapat sa posisyong ito lalo na sa pagiging pangulo. Dapat, ang iboto upang maging pangulo ay kayang matulungan ang bansa upang umunlad at hindi upang lalo itong malugmok sa kahirapan 1.)________,marami sa mga tumatakbo sa pagka-pangulo ang naglahad ng kanilang mga plano upang masolusyunan ang kahirapang dinadaing ng karamihan,2.) _________,naging trending na nga sila sa social media dahil sa mga sikat na programang pantelebisyon kung saan sila ay itinampok. Sa kabilang banda, ang mga netizens ay hindi mapigilang mag-ingay dahil bawat isa ay may kani-kaniyang manok na sa darating na eleksiyon, 3.)_________, na may kani-kanila rin silang dahilan bakit napupusuan nila ang naturang kandidato Sa usaping pangkalusugan naman, patuloy pa rin ngayon ang pagtaas ng kaso ng nagpopositibo sa COVID19 dito sa ating probinsiya,4.)_______ ayon sa inilabas na datos ng Health Office ngayong 29 ng Enero, 2022 umabot na sa higit walong libo ang kaso ng COVID19 na naitala at higit isang libo naman ang active cases. Laging kinukumpara ng mga tao, lalo na ng mga netizens, ang ating datos sa ibang bansa Ipinalalagay nila na ang kahinaan ng ating pamahalaan sa pagkontrol ng paglobo ng kaso ay siyang nakaaapekto dito. Subalit, lagi nating isaisip na hindi lang naman ang pamahalaan ang responsabe sa nangyayanng ito, sapagkat marami na nn lumabag sa mga ipinapatupad na bagong tuntunin,5.)________, hindi dapat natin isisi sa pamahalaan ang lahat ng ito sapagkat maging tayo ay may responsibilidad rin bilang mamamayan Kaya, itanong natin sa ating mga sarili, ano ang naitulong natin upang hindi na lumala pa ang sitwasyong ating hinaharap. Sapagkat, bilang isang mamamayan ng bansang ito, mahalagang makiisa at sumunod sa mga ipinapatupad na batas at alituntunin, higit sa lahat, huwag maging matigas ang ulo.