Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming komprehensibong platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.

: 1. Ano ang isyu na napag-usapan ng pamilya o ninyo ng inyong anak? ​

Sagot :

Isyu

Ito ang mga bagay o kaya pangyayari o paksa na dapat pagtuonan ng pansin upang mabigyan agad ng solusyon. Hindi ito dapat balewalain sapagkat nakakaapekto ito sa sarili natin at maging sa iba. At itong mga isyu na ito ang pinag-uusapan mabuti ng karamihan para makaisip ng mga paraan upang maharap ang mga ito.

Isyu na napag-usapan sa loob ng pamilya o kaya naman sa pagitan ng inyong anak

  • Problema sa paaralan o kaya naman ay sa kaklase

Marahil minsan ang mga bata sa ngayon ay nakakaranas ng pambubully sa eskuwelahan kasabay nito ay ang mga maraming gawain sa kanila. Hindi namamalayan ng ilang magulang ay apektado na pala ang pisikal at mental na kalusugan ng mga anak. Baka nga hindi halata sa kanila na may kinakaharap pala sila, kaya mahalaga na pag-usapan ito mabuti at mabigyan agad ng solusyon para maiwasan ang pangamba at pag-aalala. Napakahirap ngayon sa mga bata ang pagkakaroon ng mga dalahin sa buhay, lalo na kung hindi nila ito sinasabi sa mga magulang o kaya sa kapatid nila kung mayroon. Dapat pagtuonan ng pansin ang isyu natin sapagkat buhay ng anak ang nakasalalay dito.

Kailangan pakinggan ng mga magulang ang sinasabi ng mga anak hinggil sa mga isyung napapaharap sa buhay nila. Mahirap ito para sa kanila sapagkat wala pa silang karanasan kung paano nila ito malulutas. Kaya nariyan dapat ang alalay ng mga magulang para magabayan sila sa mga isyung pinagdadaanan nila o mga bagay na maaaring maharap. Mahalaga na maging handa sa bagay na ito upang masanay ang anak at malaman nila ang gagawin nila kung maranasan man nila ito.

Iba pang isyu hinggil sa pamilya at anak:

  • Mental na kalusugan
  • Adiksyon sa paggamit ng social media o kaya naman ng gadgets
  • Kawalan ng panahon sa pamilya o bukas na komunikasyon
  • Pagkakaroon ng awayan o kaya alitan

Mahalaga na malaman agad ang mga isyung ito para masupil na agad. Huwag itong balewalain.

Kung nagnanais ka pang makapagbasa, puwede kang magtungo dito sa mga link na ito na nasa ibaba tungkol sa isyu:

Ang kahulugan ng salitang isyu at ilan sa mga halimbawa nito: brainly.ph/question/555455

Ilan pa sa mga halimbawa ng isyu tungkol sa personal at panlipunan: brainly.ph/question/636440

#BrainlyEveryday