Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung ito ay hindi wasto. T
1. Hindi puwedeng magkaroon ng "dull time" o patay na oras habang nakaere ang isang mamamahayag (broadcaster.) 2. Binabawal sa komentaryong panradyo ang pagbibigay ng personal na interpretasyon.
3. Nangunguna pa rin ang wikang Ingles sa programang panradyo, AM (amplitude modulation) man o sa FM (frequency modulated).
4. May kaugnayan sa komentaryong panradyo ang mga salitang nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. 5. Ang napapanahong isyu sa isang bansa ay maaaring pag-usapan sa isang komentaryong panradyo.
6. Ang mga pahayagan sa internet o tinatawag na online news ay isang popular na babasahin sa kasalukuyan, ito ang balitang tinatawag na digitalized. 7. Isa sa mga katangian ng balita ang kahabaan nito.
8. Ang wika ay nahahati sa tatlong antas; balbal, pormal at impormal.
9. Sa pagsulat ng balita, kailangang inuuna ang hindi gaanong mahahalagang pangyayari.
10. Isa sa mga sikat na manunulat ng dagli sa kasalukuyang panahon ay si G. Eros Atalia.