1. Paano nagkakaugnay ang mga kilusang kababaihan sa India tulad ng All India Women’s Conference at mga unyon ng industriya ng Tela kanilang bansa?
A. Hiniling ng mga samahan at unyon ng mga manggagawa ang pantay na pagkakataon sa pamamahala sa mga kompanya sa bansa.
B. Malayang makabahagi sa halalan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karapatang bumoto.
C. Ang mga samahan at unyong ito ay nangampanya laban sa lumalang child labor sa bansa.
D. Parehong tinutulan ang mga samahang ito ang mga nararanasang karahasan sa tahanan ng kababaihan.
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga kilusang pangkababaihan sa rehiyon sa Asya?
A. Ang mga kilusang pangkababaihan na ito ang nag-uudyok sa pamahalaan na pigilan ang panghihimasok ng kababaihan sa pamamahala sa bansa.
B. Ang mga kilusang ito ay nagiging instrumento ng pamahalaan upang mapatahimik ang mga progresibong pagkilos sa pamahalaan.
C. Ang mga samahang ito ay umiiwas sa kababaihan na sumali sa mga pagkilos o magulong protesta laban sa pamahalaan.
D. Ang mga kilusang pangkababaihan ang tagapagtaguyod ng mga karapatan ng kababaihan sa Asya.
3. Ang mga sumusunod na pangungusap ay batay sa paniniwala ng relihiyong Kristiyanismo maliban sa isa.
A. Ito ay batay sa buhay ni Kristo Hesus.
B. Ito ay naniniwala sa Santisima Trinidad.
C. Ito ay may banal na aklat na Koran.
D. Pagsunod sa Pitong Sakramento at Sampung Utos ng Diyos.
4. Anong uri ng relihiyon ang naniniwala sa "Kami" na syang banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay?
A. ISLAM
B. JAINISMO
C KRISTIYANISMO
D. SHINTOISMO