BASAHIN AT UNAWAIN MGA ELEMENTO NG DULANG PANTELEBISYON 1. Iskrip o nakasulat na dula Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isasaalang-alang sa dula at nararapat na naaayon sa isang iskrip. Walang dula kapag walang iskrip. 2. Gumaganap o Aktor Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang nagbibigkas ng dayalogo, nagpapakita ng iba't ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula 3. Tanghalan Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Tanghalan din ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula o ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase. 4. Tagadirehe o Direktor Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-iinterpret sa Iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. 5. Manonood Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hind ito napanood ng ibang tao. Hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o manood.