Answer:
Ipinakita ni Sisa ang pagiging mabuting ina at asawa sa pamamagitan ng patuloy na pagsisilbi at pag-aalaga sa kanyang pamilya bilang isang ilaw ng tahanan.
Explanation:
Si Sisa ay ina sa dalawang batang anak na lalaki na si Crispin at si Basilio. Mayroon siyang asawa na sobra niyang mahal ngunit hindi bumabalik ang pagmamahal nito sa kanya. Ang asawa niya ay madamot, mahilig magsugal / magsabong, walang paki sa pamilya at halos pera lang ang pinag-iisipan. Ipinapakita ni Sisa na kahit gaano kalungkot ng kanyang buhay, nandiyan pa rin siya para sa kanyang mga anak. Makikita kaagad kay Sisa na ang mga babae noon ay pinalaki na maging mas mababa sa kanilang asawa at mahina ang loob para sa sarili. Masakit rin na malaman na ang mga babae ay pinangangaabuso lang ng mga lalaki, sila ay ginagawang utusan at tila'y ginagawang aso.