A. IHANDA NATIN Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang bilang na nagpapakita ng mabuting gawi at pagiging matapat sa pag-aaral. 1. Nakikinig ako sa aking guro habang nagtatala. 2. Pinapa-photocopy ko ang mga tala sa kuwaderno ng aking mga kamag-aral sa halip na sumulat ako ng sariling mga tala. 3. 4. 5. 6. 7. Ginagawa ko ang aking proyekto upang matapos ito sa takdang-araw. Kumokopya ako mula sa internet para ipasa bilang aking proyekto. Humihingi ako ng dagdag na paliwanag sa aking guro kapag hindi ko naintindihan ang aralin. 8. 9. Malakas akong magpatugtog ng musika habang gumagawa ng takdang-aralin. Ibinabahagi ko ang aking mga idea sa aking mga kapangkat kapag may iniatas sa aming gawain. Naghihintay ako ng takdang-araw bago ako magpasa ng proyekto. Kusang-loob kong tinutulungan ang aking mga kamag-aral kapag hindi nila maintindihan ang aralin. 10. Nagbabasa at nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago ang pagsusulit. Talakayin at sagutin sa klase: