Pinagaling ni Hesus ang Sampung Ketongin
(Lucas 17:11-19)
11 Umahon si Jesus patungong Jerusalem. Nangyari na siya ay dumaan sa gitna ng Samaria at Galilea. 12 Sa
kaniyang pagpasok sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may ketong. Ang mga ay
nakatayo sa malayo. 13 Nilakasan nila ang kanilang tinig at kanilang sinabi: Guro, kahabagan mo kami.14
Nakita sila ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: Humayo kayo at magpakita kayo sa mga saserdote. At
nangyari, sa paghayo nila, sila ay nalinis.15 Nang makita ng isa sa kanila na siya ay gumaling, bumalik
siya. Sa malakas na tinig, niluwalhati niya ang Diyos. 16 Nagpatirapa siya na nagpapasalamat kay Jesus.
Ang lalaking ito ay isang taga-Samaria. 17 Sinabi ni Jesus: Hindi ba sampu ang nilinis? Nasaan ang siyam?
18 Ang dayuhan lang bang ito ang bumalik upang magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos? 19 Sinabi niya sa
kaniya: Bumangon ka at humayo. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.
Ito po yung kwento
tapos ito po yung tanong
Anong aral ang nakuha mo batay sa kwentong iyong nabasa?