Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Itanong ang iyong mga katanungan at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang disiplina. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
Kahulugan ng Magdilang Anghel
Ang magdilang anghel ay isang sawikain. Ang kahulugan nito ay magkatotoo sana. Ito ay karaniwang sinasambit kung may nasabing maganda ang isang tao at nais mong magkatotoo ito. Ito ay kinumpara sa dila ng isang anghel dahil ang anghel ay kilala bilang mabuti. Wala kang ibang hangad kundi may mangyaring mabuti o maganda sa iyo.
Mga Halimbawang Pangungusap
Ating gamitin ang sawikain na magdilang anghel sa pangungusap. Narito ang ilang halimbawa.
- Magdilang anghel sana siya sa sinabi niya na makikita ko na ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.
- Sana ay magdilang anghel ang manghuhula na matatagpuan ko na ang kabiyak ng aking puso.
- Salamat sa inyong mga mensahe para sa aming pamilya. Magdilang anghel sana kayo.
Mga Sawikain
Ang sawikain ay mga salita o parirala na matalinghaga. Tinatawag din ito na idyoma. Ang kahulugan ng mga ito ay hindi tuwiran. Malalim ang kahulugan ng mga ito at hindi ang literal na kahulugan ng mga salita. Narito ang ilan pang halimbawa ng sawikain at ang kanilang kahulugan.
- amoy pinipig - mabango
- asal hayop - masama ang ugali
- bilang na ang araw - malapit ng mamatay
- buhok anghel - magandang buhok
- bumangga sa pader - lumaban sa makapangyarihang tao
- butas ang bulsa - walang pera
- isulat sa tubig - kalimutan
- itaga sa bato - tandaan
- mababaw ang luha - iyakin
- maglaro ng apoy - magtaksil
- mahangin ang ulo - mayabang
- makalaglag matsing - kaakit-akit
Karagdagang halimbawa ng sawikain o idyoma:
https://brainly.ph/question/352982
#LearnWithBrainly
Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Salamat sa pagbisita. Ang aming layunin ay magbigay ng pinaka-tumpak na mga sagot para sa lahat ng iyong pangangailangan sa impormasyon. Bumalik kaagad. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bisitahin kami ulit para sa mga bagong sagot mula sa mga eksperto.