1. Ano ang layon ng paggamit sa pangungusap ng mga katagang; sa totoo lang, tunay,
talaga?
A. Pagbibigay ng buod
B. Paglalahad ng paksa
C. Pagpapatotoo at panghihikayat
D. Pagsunud-sunod ng mga pangyayari
2. Sa pangungusap na: “Talagang nakadidismaya, may mga mambabatas na
sumusuway sa R.A. 9211 o Tobacco Regulation”, aling salita ang nakatulong upang
mahikayat o makumbinsi ang mambabasa o tagapakinig?
A. batas B. mambabasa C. sumusuway D. talagang
3. “Sa totoo lang, kaming mga laruan ay ginawa upang paligayahin kayo subalit
natatakot din kaming baka isang araw ay hindi n’yo na kami pansinin”. Anong pangugnay na nagpapatotoo ang ginamit sa pangungusap?
A. baka B. Sa totoo lang C. subalit D. upang
4. ____, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring ipuno sa
patlang upang ito ay mapatotohanan.
A. Sa tingin ko B. Sa totoo lang C. Talagang D. Tunay na
5. Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang
kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man,
mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na
Pagislam. Ano ang ibig sabihin ng Pagislam?
A. Pagbibinyag ng mga Muslim
B. Relihiyong itinaguyod ni Mohammed
C. Ritwal na ginagawa sa bagong kasal
D. Paghingi ng patnubay bago makidigma
6. Anong kulturang Muslim ang makikita sa Pagislam?
A. pag-uugali C. paniniwala
B. pananampalataya D. tradisyon
7. Alin sa mga sumusunod ang salitang hindi hiram?
A. Assalamu Allaikum B. Datu C. Pinuno D. Rajah
8. Ano ang tawag natin sa isang babasahin na kadalasan ito ay ating mababasa sa
pahayagan na kung saan napapaloob dito ang opinyon ng pahayagan na
nagpapayo, nagtuturo, nanghihikayat, pumupuri o tumuligsa tungkol sa kahalagahan
ng isang isyu?
A. Balita B. Editoryal C. Lathalain D. Sanaysay
9. Anong uri ng Editoryal o Pangulong Tudling na nagbibigay rin ng kahulugan,
nakikipagtalo at namumuna subalit ang bigyang-diin ay ang mabisang
panghihikayat?
A. Nakikipagtalo C. Nanghihikayat
B. Nagpapakahulugan D. Namumuna
10. Ano ang tawag sa isang uri ng panitikan na hinahati sa ilang yugto na maraming
tagpo at layunin nitong itanghal?
A. Dula B. Epiko C. Maikling Kuwento D. Pabula