Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa iba't ibang larangan sa aming platform. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

ANO ANG KAHALAGAHAN NG LITERATURA

?

Sagot :

Answer:

Literatura o Panitikan

Ang literatura o panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin, ideya at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.  

Kahalagahan ng Literatura

  • Ang literatura o panitikan ay sumasalamin sa mga magagandang kaugalian, kultura at tradisyon na kaiba sa ibang lahi.
  • Nang dahil sa literatura o panitikan, naipapabatid ang sariling kahusayan sa gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao.  
  • Ang literatura o panitikan ay isa ring paraan sa pagtuklas ng sariling talino at kasanayan.
  • Ang literatura o panitikan ay nagbabatid rin ng magaganda at mahuhusay na mga akda na kapupulutan ng mahahalagang aral tungkol sa pgpapahalaga at pagmamalasakit sa kapwa.
  • Ang literatura o panitikan ay nagpapabatid at nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino na marunong magmahal sa sariling kultura at magmalasakit sa sariling panitikan.
  • Ang literatura ang nag-uugnay satin sa iba't-ibang mga pangyayari sa mundo.

Kahulugan ng literatura o panitikan mula sa iba’t ibang manunulat  

Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda  

  • Ang panitikan ay “ bungang isip na isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masinining at makahulugang mga pahayag.  

Isinaad ni W.J Long  

  • Ang panitikan ay nasusulat ng mga tala ng “pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.”  

Batay naman sa Webster Dictionary

  • Ang panitikan ay ang anumang anyo nasusulat sa anyo mang patula/tuluyan sa isang partikular na panahon.  

Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin  

  • Ang panitikan ay isang paraan ng pagpapahyag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.  

Ayon naman kay Salazar  

  • Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at maaaring magpalaya ng isang ideya nagpupumiglas makawala.  

Inihayag din ni Ramos  

  • Ang panitikan ay matatawag ding lahat ng uri ng mga tala na kinasasalaminan ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan at kalinangan.

Para naman kay Bro. Azarias  

  • Ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.  

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa literatura o panitikan, magtungo sa mga link na:  

brainly.ph/question/122170

brainly.ph/question/15616

brainly.ph/question/306366

#LetsStudy

Salamat sa pagpili sa aming plataporma. Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin muli kami. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Ang iyong mga tanong ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.