PALAGUIN ANG KAKAYAHANG PAKIKIPAGKAIBIGAN
Answer:
Maaaring palaguin ng isang tao ang kanyang kakayahan sa pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng patuloy na pakikisalamuha sa maraming tao upang magkaroon ng sapat na kompeyansa sa sarili. Maging mapagmasid kung paano ang tamang pakikitungo sa mga tao. Kumilos at gumawa ng mabuti at tama upang magustuhan ng mga tao ang iyong ginagawa at magkaroon ng tagahanga na maaari mong maging kaibigan. Kapag ikaw ay may mga kaibigan na, nararapat na wag maging mapanlinlang at mapanlamang sa kanila upang mas umigting ang pagsasama. Huwag magtago ng sekreto at kainggitan ang isa't isa, dahil maaari itong pagsimulan ng hindi pagkakaunawaan o galit niyong dalawa. Hindi nasusukat ang pagkakaroon ng maraming kaibigan para sabihing maunlad ang pakikipag kaibigan ng tao, ang sukatan ay ang kung gaano katibay at kalalim ang inyong pagsasama bilang magkaibigan.
PALAGUIN ANG KAKAYAHANG PAKIKIPAGKAIBIGAN//brainly.ph/question/23932773
#LETSTUDY