Naghanatla ito ng pampublikong serbisyo. II. Panuto: TAMA O MALI. Basahin ng Mabuti ang bawat pahayag sa bawat bilang pagkatapos ay tukuyin kung tama o mali ito. Isulat ang I kung tama at M naman kung mali ang pahayag. 1. Ang mga produkto na segunda-mano ay kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income. 2. Mas matindi ang depresyon kaysa sa resesyon. 3. Sambahayan ang may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto. 4. Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon at sa paglaki ng pamumuhunan. 5. Ang kita sa pambansang ekonomiya ay maitatakda lamang ng kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. 6. May pinagkukunang yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksiyon na kailangan pang- angkatin sa ibang bansa. 7. Ang mga imported goods na binibili ng mga mamamayan sa bansa ay kasali sa Gross Domestic Product 8. Sa pamamagitan ng konsepto ng real GNI, malalaman kung kapani-paniwala ang paglago ng ekonomiya. 9. Kapag positibo ang growth rate, masasabi na walang pag-angat ang nangyayari sa ekonomiya ng bansa. 10. Ang maluwag na patakaran ay humuhikayat ng mas maraming dayuhang mangangalakal at mamumuhunan.