Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Itanong ang iyong mga katanungan at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang disiplina. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

Ano ang gusto mong katangian ng gobyerno NG pilipinas? NG isang pinuno o lider NG bansa? At NG isang botante tulad MO? ​

Sagot :

QUESTION:

Ano ang gusto mong katangian ng gobyerno ng pilipinas? Ng isang pinuno o lider ng bansa? At ng isang botante tulad mo?

ANSWER:

Katangian ng Gobyerno ng Pilipinas

Maraming tinataglay na katangian ang isang gobyerno, mga katangian na nahahati sa dalawa, mga kanais-nais at hindi kanais- nais. Ang mga katangian na ito ang siyang nagsisilbing determino sa kung ano ang magiging kahihinatnan ng pinamumunuang lugar. Iba't ibang katangian ang tinataglay ng indibiduwal kung saan ito ang pinaka-nagiimpluwensiya sa kanilang mga kilos at desisyon.

1. Katangian ng Gobyerno

  • Isa sa katangian ng Gobyerno na siya ngang nagbibigay pabor sa mamamayan ay ang kakayahan nitong magbigay ng mga pangangailangan nito.
  • Ang katangian ng Gobyerno na baguhin ang mga hindi magandang pangyayari sa bansa.
  • Ang katangian ng Gobyerno na gawing komportable ang buhay ng mga mamamayan sa pinamumunuan nito.

   2. Katangian ng isang Pinuno o Lider ng bansa

  • May pagmamalasakit sa kinasasakupan.
  • May magandang puso at mapagkumbaba.
  • Magaling sa paggawa ng desisyon kung saan pinapakinggan lahat ng hinaing ng mamamayan.

   3. Katangian ng isang Botante

  • May kakayahan na pumili ng tama
  • Binibigyan ng panahon ang pagboto
  • Naglalaan ng oras upang salain ng maayos ang mga tumatakbo sa posisyon. Alamin dito ang katangian ng isang kwalipikadong botante. brainly.ph/question/2115282

Ang halalan ay isinasagawa upang bigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na baguhin o hindi kaya ay tulungan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Alamin pa rito ang ibigsabihin ng Halalan brainly.ph/question/577637. Ang pagpili ng bobotohin ay pawang ayon sa kagustuhan ng botante at ang kanilang desisyon ay naaayon sa galing o nakikita nilang potensyal sa isang tumatakbong kandidato. Bawat botante ay may karapatan na piliin kung sino man ang sa tingin nila ay nararapat at walang diskriminasyon na dapat ay matanggap kung naiiba ang kanilang desisyon. Ngayong Mayo, ay magaganap muli ang halalan at ang resulta nito ang magbabago sa takbo ng bansa. Nararapat lang na bigyan ng pansin o ng oras ng bawat mamamayan ang halalan dahil malaking desisyon ito, at ang mga plano ng mga lider na mahahalal ang siyang magbibigay ng daan sa bansa upang patuloy na umunlad. Narito ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagbigay ng boto brainly.ph/question/1334936, ang kahalagan ng pagboto ay maaring iba iba at naayon sa sariling pananaw ngunit ang lahat ng ito ay may tanging layunin, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon na baguhin ang takbo ng bansa, patungo sa kaunlaran.

Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Umaasa kaming nahanap mo ang hinahanap mo. Huwag mag-atubiling bumalik sa amin para sa higit pang mga sagot at napapanahong impormasyon. Ang iyong mga katanungan ay mahalaga sa amin. Balik-balikan ang Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.