Dito mo naman ibubuod ang iyong natutunan hinggil sa produksyon at mga salik nito. Punan ng angkop na salita ang mga patlang para mabuo ang ideya. Tignan ang mga nakalistang salita bilang pagpipilian. 5 puntos. Mga salitang pagpipilian: entrepreneurship input produksyon ekonomiya lupa salik na Ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay matutugunan sa pamamagitan ng 1) Ito ay tumutukoy sa pagpoproseso sa mga bagay para maging bagong produkto. May apat na salik ng produksyon kinabibilangan ng lupa, paggawa, kapital at 2) Ang mga kinakailangan sa paggawa ng produkto ay tinatawag sa Ingles na 3) samantalang ang resulta ng pagsasama-sama sa mga ito ay tinatawag na output. Malaki ang bahaging ginagampanan ng bawat 4) ng produksyon sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Magiging masigla ang produksyon at buong 5) kapag ang lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship ay sapat at balanse. Anumang pagbabago sa mga salik ay makaaapekto sa dami at kalidad ng produksyon Binabati kita sa maayos at tamang pagtugon sa mga gawain!